Umalma ang unyon ng mga empleyado sa senado sa ginawang pag-red tag sa kanila ng pinuno ng National Intelligence Coordinating Agency (NICA).
Kinundena ng Sandigan ng mga Empleyadong Nagkakaisa sa Adhikain ng Demokratikong Organisasyon (SENADO) ang pahiwatig ni NICA Director General Alex Paul Monteagudo sa kanyang Facebook post hinggil sa kaugnayan ng unyon sa CPP-NPA.
Tinawag din ng senado na malisyoso, walang basehan at mapanganib ang naturang Facebook post ni Monteagudo na maging ang Courage ay iniuugnay nito sa makakaliwang grupo.
Naniniwala ang senado na ang pag-atake sa kanilang unyon ay tugon sa naging posisyon nila laban sa Department of the Interior and Local Government (DILG) memorandum sa hinggil sa pag-red tag sa mga lehitimo at progresibong organisasyon maging public sector unions.