Tiyak na magiging kapaki-pakinabang sa mga Pilipino ang bersyon ng Senado ng panukalang tax reform for acceleration and inclusion bill.
Iyan ang inihayag ni Senate Committee on Ways and Means Chairman Sonny Angara upang mahikayat ang mga self employed at mga professionals na magbayad na ng tamang buwis.
Ayon kay Angara, ginawa aniyang mababa at abot kaya ang tax rate kaya’t mas simple at mabilis aniya itong sundin kaya’t maaari na silang mamili kung paano nila babayaran ang kanilang buwis depende sa itinatadhana ng batas.
Batay sa datos ng BIR o Bureau of Internal Revenue, labing limang porsyento lamang ang nagiging koleksyon ng buwis sa mga self employed at mga professionals habang nasa walumpu’t limang porsyento ang nagmumula sa compensation income earners.