Malalaman na ngayon kung ano ang nabuong bersyon ng Senado sa tax reform bill.
Nakatakda nang isponsoran ni Ways and Means Committee Chairman Sonny Angara ang committee report ukol sa nabanggit na tax measure.
Ayon kay Senator Angara, pirmado na ng mga miyembro ng Committee on Ways and Means ang committee report pero may mga nakasulat na mag-interpellate at may mag-introduce ng amendments.
Isa si Senate President Pro-Tempore Ralph Recto sa pumirma pero ayon sa senador mayroon siyang mga reservation at maraming isusulong na amendments.
Sinabi naman ni Senator JV Ejercjto na mayroon din siyang ilang alalahanin sa tax reform bill partikular sa inflationary effect ng ilang nilalaman nito kayat may mga isusulong siyang amendments.
Umaasa si Senator Ejercito na mas maganda at mas katanggap tanggap ang maipapasang bersyon ng tax reform bill sa Senado.
Sinabi naman ni Senator Joel Villanueva na malaki ang kaibahan at mas mahusay ang Senate version ng nabanggit na tax measure pero may gagawin para silang pagbabago para maging mas balanse at katanggap-tanggap ito.
—-