Dumating na sa bansa si Senador Antonio Trillanes mula sa kanyang pagdalo sa isang international forum sa Los Angeles California.
Sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) pa lamang ay nagbigay na ng pahayag si Trillanes na handa siyang harapin ang libel case na isinampa laban sa kanya ng pamilya ni Vice President Jejomar Binay.
Malaya namang nakaalis ng paliparan si Trillanes nang walang dumarating na sinuman para i-serve ang kanyang warrant of arrest.
Matatandaan na inilabas ng Makati RTC ang warrant of arrest habang nasa ibang bansa si Trillanes.
At ngayong araw, kasama ng kanyang abogado ay unang naging aktibidad ni Trillanes ang paglalagak ng piyansa.
By Len Aguirre | Raoul Esperas (Patrol 45)