Inamin ni Senador Allan Peter Cayetano na may hindi sila napagkasunduan nina Pangulong Benigno Aquino III kaya’t hindi ito pumayag na maging running mate ni Liberal Party (LP) standard bearer Mar Roxas sa 2016 elections.
Ayon kay Cayetano, nagkaroon ng pag-uusap sa pagitan nila noon ng Pangulo at ni Roxas.
Ngunit ang problema aniya, hindi sila magkatugma ng administrasyon sa ilang isyu gaya ng problema sa trapik, sitwasyon ng mga Overseas Filipino Workers at iba pa.
Gayunman, masasabi ni Cayetano na may nagawa naman ang administrasyon lalo na sa paglaban sa korupsyon.
By Ralph Obina