Handa si Senador Christopher Bong Go na maimbestigahan ng Senate Ethics Committtee.
Ito’y ayon kay Go dahil wala siyang itinatago, walang ginawang mali lalo na pagdating sa disorderly o unethical behavior kaya’t wala siyang kinatatakutan sakaling imbestigahan ng nasabing komite.
Binigyang-diin ni Go na iginagalang n’ya ang senado bilang institusyon na kanyang kinabibilangan at hangad lang niyang pairalin nito ang due process at fairness o pagiging patas.
Inihayag ni Go na sa ngayon ay wala pa namang naihahaing reklamo laban sa kanya, kaya hindi pa siya makakapag-komento at hindi pupuwedeng haka-haka at patutsada lang ang pagbatayan ng reklamo.
Muling iginiit ni Go na kung mapatunayang sangkot siya sa anumang korapsyon ay magbibitiw siya sa puwesto.