Hangad ni Senador Christopher ‘Bong’ Go na tuparin ng mga ahensya ng pamahalaan ang kani-kanilang pangako sa taong bayan kasunod ng ikinakasang ‘whole of government approach’ sa pagpapatupad ng Bayanihan to Recover as One Act.
Ayon kay Senador Go, mahalagang gampanan ng mga ahensya ng pamahalaan na tuparin ang kanilang pangako dahil ito naman ang mandato sa kanila unahin ang interest ng bansa maging ang pangangailangan ng mga mamamayan nito.
Pagdidiin pa ni Go, madalas na ipinaaalala ni Pangulong Rodrigo Duterte na ang lahat ng mga ahensya ng pamahalaan ay dapat na magkaruon ng iisang salita para magkaruon ng tiwala ang publiko.
Paliwanag ni Go, bagama’t sa ilalim ng Bayanihan 2, may kapangyarihan ang punong ehekutibo na diskartehan ang pagtugon nito kontra coronavirus disease 2019 (COVID-19), ay dapat pa rin gawin ng mga ahensya ang kanilang mga dapat gawin.
Mababatid na may 21 mga ahensya ng gobyerno ang kumikilos para sa muling pagpapabangon ng ekonomiya ng bansa.