Suportado ni Senator Bong Go ang panukalang dagdagan ang national calamity fund sa taong 2023 bunsod ng kalamidad sa bansa.
Ayon kay Go, hindi siya tutol sa calamity funds para sa 2023 dahil nais niyang matulungan din ang mga naapektuhan ng kalamidad at muling makabangon sa hirap.
Iginiit naman ni Go ang kanyang panawagang ipasa ang Senate Bill No. 188 o panukalang Department Disaster Resilience Act para sa mabilisang hakbang ng gobyerno sa sakuna.
Samantala, posible nang gamitin ng mga ahensya ng pamahalaan ang natitirang P6.8-B na pondo sa ilalim ng National Disaster Risk Reduction and Management Fund (NDRRMF) sa taong 2022. —sa panulat ni Jenn Patrolla