Naghain na ng kanyang certificate of candidacy bilang kandidato sa pagka-Vice President si Senador Bongbong Marcos.
Tatakbo si Marcos bilang independent at walang kakapitang presidentiable makaraang tuluyan nang tuldukan ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte ang pagtakbo niya bilang Pangulo sa 2016.
Sinamahan si Marcos ni Ginang Imelda Marcos at iba pang mga kaanak at supporters na kinabibilangan ng community group.
Ayon kay Marcos sakaling palarin sa 2016 at maging bise presidente handa siyang tanggapin ang kahit anong trabaho na ibibigay sa kanya ng mananalong Pangulo ng bansa.
By Len Aguirre | Allan Francisco