Nagdeklara na rin si Senador Bongbong Marcos ng kanyang kandidatura para sa Vice Presidential race sa 2016 elections.
Ayon kay Marcos, ipinauubaya na niya sa sambayanan ang pasya kung karapat-dapat siyang ihalal bilang Pangalawang Pangulo.
Nilinaw naman ng mababatas na ispekulasyon lamang ang ulat na magiging ka-tandem siya ng ibang presidential aspirant gaya ni Vice President Jejomar Binay at Davao City Mayor Rodrigo Duterte.
Bagaman noong isang linggo ay nagtungo si Marcos sa Davao City, kumonsulta lamang ang Senador kay Duterte na nangako naman ng suporta sa kanyang pagtakbo bilang Pangalawang Pangulo kapalit ng suporta ng mambabatas sa alkalde kung tatakbo ito sa pagka-Pangulo.
Dahil dito, limang kandidato na ang maglalaban sa pagka-bise presidente sa halalan sa susunod na taon.
By Drew Nacino | Cely Bueno (Patrol 19)