Mas pabor si Senator Chiz Escudero na dumaan sa usapang pangkapayapaan kaysa armadong labanan ang matagal ng problema sa NDF-CPP-NPA.
Ito, ayon kay Escudero, ay dahil walang nananalo sa giyera at karaniwan pang naiipit at nadadamay ang mga inosenteng sibilyan.
Umaasa naman ang Senador na magiging bukas pa rin ang pintuan ng magkabilang panig para sa peace talks kung hindi man sa national level ay kahit sa local level.
Ang pasya anya ng Pangulong Rodrigo Duterte na ikansela ang usapang pang-kapayapaan ay isa lang balakid na maaaring magsilbing daan upang maliwanagan ang magkabilang panig lalo na ang rebeldeng grupo upang itigil na nila ang mga pag-atake.