Desisyon ng sinumang senador na hirap mag-ingles ang paggamit ng tagalog o wikang filipino sa pakikipag-debate at pakikipag-talakayan sa plenaryo.
Reaksyon ito ni Senate President Tito Sotto sa pahayag ni Senator-Elect Robin Padilla na tagalog ang kanyang gagamitin sa pakikipag-debate dahil mga Pilipino naman at hindi Amerikano ang mga mambabatas na kanyang haharapin.
Gayunman, binigyang-diin ni Sotto na hindi rin mapililit ang ibang senador na sagutin si Padilla sa wikang Tagalog.
Dapat anyang tandaan na ang journal, rules, index at bills ay pawang nakasulat sa english maging ang konstitusyon.
Alinsunod sa Article 14, Section 7 ng 1987 Constitution, kapwa official language ng bansa ang Filipino at Ingles. —sa ulat ni Cely Ortega-Bueno (Patrol 19)