Mas gusto ni neophyte Senator Robin Padilla na maging miyembro ng Commission on Appointments sa halip na maging bahagi ng Senate Blue Ribbon Committee.
Ito, ayon kay Padilla, ay dahil sa natutunan niya sa loob ng National Bilibid Prison na kumilatis ng mga tao.
Sa tingin pa lang umano ng dating action star sa isang tao ay nalalaman na niya ang karakter o ugali nito.
Iginiit ni Padilla na kahit pa appointees ni incoming President Bongbong Marcos Junior ang isasalang sa CA ay kikilatisin niyang maigi ang kwalipikasyon ng mga ito.
Kung sa tingin umano niya ay hindi angkop sa posisyon ang isang appointee ng pangulo, agad niyang sasabihin bakit hindi ito nababagay sa ibinigay na puwesto.
Bukod sa pagiging miembro ng nasabing komisyon sa senado, target din ni Padilla na maging chairman ng Committee on Constitutional Amendment and Revision of Codes and Laws. —sa ulat ni Cely Ortega-Bueno (Patrol 19)