Nanumpa kay Pangulong Rodrigo Duterte si Senator Elect Robin Padilla.
Kasama ni Padilla na nagtungo sa Malakaniyang ang asawang si Mariel at mga anak na sina Isabella at Gabriela gayundin ang inang si Eva Padilla.
Sa kanyang post, ipinagmalaki ni Mariel ang asawa na nakikita niyang magiging amazing at effective senator.
Sinabi pa ni Mariel na suportado nila si Padilla sa pagharap nito ng mga hamon sa pagiging mambabatas.
Una nang binigyang diin ni Padilla na kakayanin niyang pangunahan ang Senate Committee on Constitutional Amendments and Revision of Codes and Laws kahit bagitong senador pa lamang.
Si Padilla ay nanguna sa pagka senador nitong nakalipas na eleksyon matapos makakuha ng mahigit 26 million votes.