Binisita ni Senador Bong Go ang ating mga kababayang taga-Bulacan na pawang sinalanta nang manalasa noon ang Bagyong Ulysses.
Mababatid na nagpunta sa bayan ng Pandi at Norzagaray si Go para mamahagi ng tulong.
Ani Go, hindi dapat magpasalamat ang mga pamilyang tinulungan niya dahil parte ito ng kanyang mandato bilang manggagawa ng pamahalaan.
Iginiit pa ni Go, na ito’y pagtupad lamang sa naging pangako ni Pangulong Rodrigo Duterte na gagawin ang lahat mapaglingkuran lang ang bawat Pilipino.
Kabilang sa mga ipinamigay ni Go ay mga pagkain, gamot, face mask at iba pang tulong sa higit isanlibong nasalanta ng bagyo.
Bukod kay Senador Go, namahagi rin ng tulong ang iba’t-ibang ahensya ng pamahalaan gaya ng DSWD, DA, DTI, maging ang nha para kahit papaano’y mabilis na makakaahon ang mga biktima ng kalamidad.