Matapos ang mga banat ni Senador Bong Go, agad rumesbak si Senate Blue Ribbon Committee Chairman Richard Gordon.
Ayon kay Gordon, hindi naman inaapi o binu-bully si Go at inililihis lang nito ang atensyon ng publiko sa tunay na isyu, ang paghahanap sa bilyon bilyong pisong pandemic funds.
Iginiit ng Committee Chairman na maging siya ay isang probinsyano pero wala naman silang pag-aaring construction company na may maraming kontrata sa gobyerno.
Kung mayroon anyang sama ng loob si Go, mayroon namang rules sa senado kung saan pwedeng magreklamo.
Binatikos din ni Gordon na walang paggalang si Go dahil hindi ito gumamit ng third person sa pagtukoy sa kanya sa talumpati. —sa ulat ni Cely Ortega Bueno (Patrol 19), sa panulat ni Drew Nacino