Hindi pinalampas ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpuna sa kanyang pagmumura ni Senador Grace Poe.
Ayon sa Pangulo, simula pa noong kampanya hanggang sa manalo ito sa eleksyon ay alam na ng mga tao mula sa Luzon, Visayas at Mindanao ang ugali nitong palamura.
Kung gusto aniya ng mga Pilipino ng prim and proper na Presidente ay di sana ay nanalo ang senadora ngunit bumagsak lamang ito sa ika-apat puwesto noong eleksyon lalo na at may pera naman ito.
Ipinaalala pa ng Pangulo kay Poe na ang tatay lamang nito ang kanyang naging kapital kaya ito nakasampa sa Senado.
Kasabay nito ay ibinunyag naman ng Pangulo malakas na paninigarilyo at pag-inom ng brandy ng senadora.
By Rianne Briones