Naghain ng mosyon sa Sandiganbayan si Senador Jinggoy Estrada na humihiling na siya ay pansamantalang makalabas ng kulungan.
Ito ay para dumalo sa ika-86 na kaarawan ng kanyang ina at dating first lady Loi Ejercito Estrada.
Sa kanyang mosyon, hiniling ni Estrada na payagan siyang makalabas ng kanyang detention cell ng apat na oras ng Hunyo 4 mula alas-8:00 ng gabi hanggang hatinggabi.
Matatandaang naghain rin ng parehong request noong nakaraang taon si Estrada ngunit ito ay ibinasura ng Sandiganbayan sa dahilang hindi naman ito emergency at hindi para sa makataong konsiderasyon.
By Ralph Obina