Nililibang ni Senator Juan Ponce Enrile ang kanyang sarili sa pamamagitan ng pagbabasa habang siya ay nasa ilalim ng hospital arrest dahil sa pagkakaugnay sa pork barrel fund scam.
Dumating si Enrile sa pre-trial Sandiganbayan sa kanyang kasong plunder kung saan tila nag-reunion sila ng kanyang dating Chief of Staff na si Atty. Gigi Reyes, Ruby Tuason at pork barrel queen Janet Lim Napoles.
Ayon kay Enrile, kabilang sa kanyang tinututukan ngayong babasahin ay tungkol sa geography, capital generation, power competition at currency development.
By Rianne Briones