Nagpaliwanag si Senador JV Ejercito kaugnay sa pinag-ugatan ng graft case na isinampa ng Ombudsman laban sa kanya.
Ayon kay Ejercito, kumuha lamang sila ng pondo sa supplemental budget ng San Juan City Government noong alkalde pa siya para bumili ng mga armas panlaban sa mga kriminal.
Sinabi pa sa DWIZ ni Ejercito, kailangan nilang armasan ang kanilang mga pulis sa San Juan dahil sa tumitinding krimen sa lungsod matapos ipa-recall ng PNP ang mga armas na una nang ibinigay sa mga pulis.
Nilinaw ni Ejercito na hindi sa calamity fund nila hinugot ang ipinambili sa mga armas ng pulis San Juan.
“Kinausap ko po ang Sanggunian, sabi ko siguro magpasa na lang kayo ng supplemental budget at pakisama na rin kaagad ito dahil talagang urgent ito, yung pagbili ng firearms, so to cut the long story short sa huli ang pinambayad po namin diyan ay galing sa general fund dahil nagkaroon naman ng supplemental budget, siguro para din maging malinaw, nung matapos ang taon ang COA po ay walang nakitang irregular, dahil siguro nung kanilang tinignan ay intact naman yung calamity fund.” Pahayag ni Ejercito.
By Judith Larino | Karambola