Ipinapaaresto na ng ika-anim na dibisyon ng Sandiganbayan si Sen. JV Ejercito at 11 iba pa.
Ito ay matapos makitang mayroong probable cause ang kaso ng mga ito kaugnay sa paggamit ng calamity funds ng lungsod ng San Juan sa pagbili ng high powered fire arms.
Dahil sa inilabas na arrest order, inaasahang magtutungo na ang mga akusado sa Sandiganbayan para mag bayad ng piyansa.
Bail bond
Nagbayad na ng P6,000 piyansa si Senator JV Ejercito para sa kanyang kasong technical malversation sa ika-6 na dibisyon ng Sandiganbayan.
Ang kaso ay nag-ugat sa kanyang paggamit sa calamity funds ng San Juan City para bumili ng high powered fire arms noong siya ay alkalde pa ng lungsod.
Tiwala din si Ejercito na maaabsuwelto siya sa kaso.
By Katrina Valle | Jill Resontoc (Patrol 7) | Cely Bueno (Patrol 19)