Nagpiyansa si Senador Joseph Victor “JV” Ejercito ng P. 6,000 para sa kasong technical malversation.
Kasama ang kanyang mga abogado at staff mula sa Senado, agad na dumiretso si Ejercito sa Sandiganbayan 6th division para sumailalim sa booking procedure.
Naglagak ng piyansa si Ejercito, ilang oras makaraang makitaan ng Anti-Graft Court na may probable cause para mag-isyu ng arrest warrant laban sa kanya at sa 14 pang kapwa akusado.
Nagpiyansa na rin ang co-accused ni Ejercito na sina outgoing San Juan Vice Mayor Francisco Zamora at dating City Councilors Angelino Mendoza at Rolando Bernando ng tig P. 6,000 na libong piso para sa kanilang provisional liberty.
Nag-ugat ang Technical Malversation Case dahil sa maanomalyang pagbili ng high-powered firearms na nagkakahalaga ng 2.1 Million Pesos noong 2008 sa panahon na si Ejercito pa ang Alkalde ng San Juan City.
Itinakda naman ng korte ang arraignment sa lahat ng mga akusado sa Hulyo 7.
By: Meann Tanbio