Nais muna ni Senador Panfilo Lacson na makulong at mapanagot ang mga taong nasa likod ng anomalya sa PhilHealth magmula pa nuong umalingawngaw ang korupsyon sa ahensya.
Sa panayam ng DWIZ kay Senador Lacson, binigyan diin nito na bago ang mga rekomendasyong lumilitaw na i-abolish, magtayo ng bagong ahensya o kaya’y amyendahan ang bata na bumuo sa PhilHealth, mas nararapat muna aniyang makulong at mapanagot ang mga sangkot sa paulit-ulit na anomalya rito.
Sa akin, first things first ikulong muna natin lahat ng responsable all this time, lahat pati nung nakaraan, para malaman na kung sino yung paulit-ulit na nagnanakaw ng pera natin. ani Lacson sa panayam ng DWIZ
Magugunitang dininig ng Senado ang isyu sa maanomalyang P15-B korupsyon sa PhilHealth, at dito nagsilabasan ang mga butas sa naturang ahensya.
Samantala, ayon pa kay Lacson, posible nang mailabas sa Lunes ang committee report hinggil sa ginawang pagdinig ng senado sa isyu ng PhilHealth.