Tiniyak ni Senador Panfilo Lacson na patuloy niyang susuportahan si Pangulong Rodrigo Duterte at ang mga progama nito sa kabila ng madalas na pagmumura at hindi pagiging statesman-like nito.
Ayon kay Lacson, ito ay dahil hindi tulad ng mga naunang lider ng bansa, si Pangulong Duterte aniya ay mapangahas at walang takot sa kanyang mga ginagawa.
Tulad, aniya ng pagkumpronta ng Pangulo sa mga militanteng grupo matapos ang kanyang SONA o State of the Nation Address kahapon.
Naniniwala rin si Lacson na may mga pagbabagong mangyayari sa ilalim ng administrasyong Duterte dahil kakaiba aniya ang ating Presidente.
Samantala, sinabi ni Majority Floor Leader Tito Sotto na sasamahan sana nila ni Senator Gringo Honasan ang Pangulo sa pagharap nito sa mga militante kahapon pero hindi na sila tumuloy dahil baka maging sagabal sila sa seguridad nito.
By Krista de Dios / ulat ni Cely Bueno (Patrol 19)