Posibleng ipa-subpoena ng Department of Justice o DOJ si Senadora Leila de Lima at iba pang personalidad ngayong araw o di kaya’y sa susunod na linggo.
Ito’y makaraang irekumenda ng National Bureau of Investigation o NBI sa Department of Justice (DOJ) ang pagsasampa ng patum-patong na kaso laban sa senadora.
Partikular sa mga inirekumendang kaso ng NBI sa dati nilang boss ay mga kasong graft, bribery, paglabag sa Dangerous Drugs Act at Conduct Unbecoming a Public Official.
Ayon kay NBI Spokesman Atty. Ferdinand Lavin, ginamit nilang batayan para ihain ang mga reklamo laban kay De Lima ay ang testimonya ng mga inmate na tumestigo laban sa senadora sa pagdinig ng Kamara kaugnay sa umano’y illegal drugs trade sa Bilibid.
Kabilang din sa mga sinampahan ng kaso ang mga dating opisyal ng Bureau of Corrections (BuCor) gayundin ng New Bilibid Prisons (NBP) na posibleng kasabwat ni De Lima sa iligal na operasyon.
By Jaymark Dagala | Bert Mozo (Patrol 3)