Kinunsulta ni Senator Miriam Defensor Santiago ang kanyang mga Facebook friends sa kung sino ang karapat-dapat na maging katandem niya sakaling sumabak sa 2016 elections.
Palagay ng karamihan sa mga netizens ay si Davao City Mayor Rodrigo Duterte na sinundan naman ni Senator Bongbong Marcos.
May ilan namang naniniwala sa girl power kaya’t mas gusto nilang na maging ka-tandem ng Senadora si Senator Grace Poe habang ang ilan naman ay gusto si Rep. Leni Robredo.
Nakapagtala na ng 3 milyong likes ang Facebook account ng Senadora.
Una nang sinabi ni Santiago na nakontrol na ang kanser sa kanyang baga kaya’t ikinokonsidera nya ang pagtakbo sa susunod na taon.
By Rianne Briones | Cely Bueno (Patrol 19)