Nakalabas na ng ospital si Senador Miriam Defensor Santiago.
Ayon kay Chelsea Dauz, Public Affairs and Media Relations Officer ni Santiago, kahapon lumabas ng Makati Medical Center ang senador kung saan mahigit isang linggo rin itong na-confine.
Sinabi ni Dauz na nais ipaabot ni Santiago ang pasasalamat sa mga nagdasal para sa kanyang mabilis na recovery.
By Judith Larino