Nanawagan si Senador Nancy Binay na ipatigil muna ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang paglalabas sa publiko ng bagong limang pisong barya.
Ayon kay Binay, nagbibigay ito ng pagkalito dahil halos magkasing laki na ang piso at ang bagong limang piso at pareho pang kulay pilak.
Hinikayat ng senador ang BSP na magsagawa muna ng malawakang information drive at magpalabas ng mga public advisory bago isama sa sirkulasyon ang naturang mga bagong barya.
Tampok sa bagong limang piso ang ama ng rebolusyon na si Andres Bonifacio na ipinalit kay General Emilio Aguinaldo.