Tila sarado na ang pintuan ng oposisyon partikular na ng liberal party para kay Sen. Manny Pacquiao sakaling patalsikin ito sa kaniyang partido na PDP – Laban.
Ito ang sagot ni Senate Minority Leader Franlin Drilon nang tanungin kung bukas ba ang kanilang partido kay Pacquiao na maugong na tatakbo sa pampanguluhang halalan sa susunod na taon.
Ayon kay Drilon, bagama’t wala pa silang kongkretong plano sa ngayon dahil hinihintay pa nila ang magiging pasya ni Vice President Leni Robredo kung tatakbo ito sa darating na halalan.
Paliwanag ng senador, kung hindi tatakbo si VP Leni ay magiging bukas sila sa pakikipag-alyansa sa ibang mga partido dahil layon nilang magkaroon lamang ng iisang kandidato sa oposisyon.