Kumpiyansa si Senador Manny Pacquiao na makakapasa sa Senado ang panukalang ibalik ang parusang kamatayan.
Ayon kay Pacquiao may numero naman silang mga pabor sa naturang panukala at kailangan lamang ay maipaliwanag lamang ng husto ang layunin nito.
Naniniwala si Pacquiao na kailangan ng bansa ang death penalty upang solusyunan ang problema sa iligal na droga na lason aniya ng lipunan.
Matatandaang si Pacquiao ang may akda ng tatlong (3) panukala na nagpapataw ng parusang bitay sa mga heinous crimes na kinabibilangan ng dangerous drugs, kidnapping at rape.
By Ralph Obina
Senator Pacquiao kumpiyansang makakapasa ang death penalty bill was last modified: May 13th, 2017 by DWIZ 882