Dismayado si Senator Robin Padilla sa aniya’y diskriminasyon na pinakita ng ilang pulis na rumesponde sa naganap na paghostage kay Dating Senator Leila De Lima.
Reaksyon ito ni Padilla sa kumalat na video sa social media kung saan inilarawan ng mga pulis na rumeresponde na “Muslim” ang mga hostage-taker.
Ayon kay Padilla, hindi niya nagustuhan ang paggamit ng salitang “Muslim” sa pagtukoy sa tatlong nagtangkang tumakas at nang-hostage kay De Lima.
Dahil dito, nanawagan ang senador sa liderato ng pnp na magkaroon ng edukasyon sa paggamit ng salitang muslim.
Giit ni Padilla kapay may kidnapper, holdupper o pumatay ng tao ay hindi naman sinasabi o tinatawag na kristiyano.
Kaya aniya, dapat maging patas sa pagtrato sa bawat pilipino.
Nanawagan naman si Padilla kay PNP Chief Police General Rodolfo Azurin Jr. Na pangaralan ang kanyang tauhan. - sa ulat ni Cely Ortega- Bueno (Patrol 19)