Pinuna ni Senator Grace Poe ang implementing rules and regulations ng mandatory Sim Registration Law.
Bagaman pinuri ni Poe ang national Telecommunications Commission (NTC) sa paglabas ng IRR, aminado ang senador na nalalabuan siya sa ilang issue.
Kabilang sa tinukoy ng mambabatas ang verification process sa nagrerehistro ng kanilang sim.
Ang verification process ang first line of defense laban sa gustong gumamit ng mobile telecom systems upang makapagdulot ng banta sa national security at para makapagnakaw ng identity.
Umaasa naman si Poe na magpapalabas pa ang NTC ng mas maraming guidelines upang magabayan ang mga telco sa pagtalima sa batas.
Sa nasabing proseso na kanyang tinutukoy, maaari umanong magkaroon ng facial validation gaya sa mga e-wallet platform na ginagamit na rin sa Singapore at sa iba pang bansang may mandatory sim registration.
Bilang chairman ng Senate Committee on Public Services at isa sa nag-akda ng batas, tiniyak ni Poe na patuloy na gagamitin ng Kongreso ang oversight functions nito para i-monitor ang mahigpit na pagpapatupad ng batas. —Mula sa ulat ni Cely Ortega-Bueno (Patrol 19)