Aminado si Senate President Pro-Tempore Ralph Recto na mayroon siyang mga ikinababahala sa ipinasang batas ng kongreso na nag-aamyenda sa 85 taon ng Public Service Act.
Ito, ayon kay Senator Recto, ang rason bakit siya bumoto ng “No” sa naturang batas na nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Lunes.
Iginiit ng senador na dapat manatiling kontrolado ng mga pilipino sa halip na mga dayuhan, ang mga kritikal na imprastraktura, gaya ng telecommunications.
Gayunman, sa ilalim ng naturang batas ay papayagan ang full foreign ownership sa mga negosyo sa mga piling industriya, tulad ng mga telco, airlines at railways. —sa ulat ni Cely Ortgea-Bueno