Aabot sa 10 priority bills ang planong isulong ni Senator Robin Padilla bilang isang mambabatas.
Ayon kay Padilla, inihain na niya sa Senado para sa 19th Congress ang 10 panukalang batas na kaniyang ipaprayoridad para mapabilis ang pagtugon partikular na ang problema sa presyo ng langis, agrikultura, food security, at talamak na diskriminasyon sa bansa.
Kabilang sa top 10 priority bills na inilatag ng bagong senador ay ang mga sumusunod:
- Equal Use of Languages Act
- Suspension of Excise Tax
- Medical Cannabis Compassionate Access Act
- Amending the Rice Tariffication Law
- Magna Carta of Barangay Health Workers
- Equality and Non-Discrimination Act
- Civil Service Eligibility
- Regionalization of Bilibid Prisons
- Mandatory Reserve Officers’ Training Corps Act, at
- Divorce Act of the Philippines.
Dahil diyan, nangako ang senador na kaniyang ipagpapatuloy ang serbisyo bilang tugon sa mandato at para narin sa tiwala ng sambayanang pilipino.