Umiikot ngayon si Senator Antonio Trillanes IV sa mga mambabatas sa Amerika upang kumbinsihin ang mga ito na pigilan si US President Donald Trump sa pagbisita nito sa Pilipinas.
Una nang tinukoy ng staff ng senador na nasa official trip si Trillanes sa Amerika.
Ayon sa source, nakikipag-meeting si Trillanes sa mga US senator para talakayin ang kalagayan ng human rights sa bansa sa ilalim ng madugong kampanya ng gobyerno kontra iligal na droga.
Kinumpirma naman ni US Senator Marco Rubio sa pamamagitan ng kanyang twitter na nag-meeting nga sila ni Trillanes kung saan tinalakay nila ang alyansa ng Pilipinas at Amerika, paglaban sa korupsyon, human rights at problema sa iligal na droga.
Una nang inihayag ng White House na dadalo si US President Trump sa ASEAN Summit dito sa bansa sa Nobyembre kasabay din ang pagbisita nito sa iba pang bansa sa Asya tulad ng China, Japan, South Korea at iba pa.
—-