Hinamon ni Senador Cynthia Villar ang pamahalaan na panagutin ang mga smugglers at mga hoarders ng bigas para mapababa ang presyo ng nasabing produkto.
Ayon sa Senador, maraming negosyante pa rin ang nagsasamantala at nagtatago ng kanilang suplay kahit pa mababa itong inangkat sa ibang bansa.
Inihayag ni Senador Villar na una nang pinirmahan ang republic act 12022 o ang Anti Agricultural Economic Sabotage Law na layong habulin at patawan ng mas mabigat na parusa ang mga sangkot sa smuggling, hoarding, profiteering at cartel pero hanggang ngayon wala pa ring nakakasuhan at nakukulong.
Naniniwala naman ang mambabatas na hindi bababa ang presyo ng bigas hanggang bente pesos kada kilo gaya ng pangako ni Pangulong Bongbong Marcos Jr dahil sa ginawang pagtapyas sa tarpa sa imported rice.