Mahigpit na binilinan ng Liberal Party (LP) ang lahat ng mga kandidato nito sa pagka-senador hinggil sa pagtanggap ng mga ito ng endorso mula sa ibang partido
Ayon kay Marikina Rep. Miro Quimbo, tagapagsalita ng Daang Matuwid Coalition, walang ibang dapat suportahan ang mga senatoriables maliban kina dating Sec. Mar Roxas sa pagka-Pangulo at Rep. Leni Robredo para naman sa pagka-Pangalawang Pangulo.
Iginiit pa ni Quimbo na hindi maaaring tumapak sa entablado ang mga senatoriables kung ang makakasama ng mag ito ay ang kalaban ng kanilang mga manok.
Ginawa ni Quimbo ang pahayag makaraang tanungin kung papayagan ba si Senador Panfilo Lacson na lumahok sa ibang partido bilang guest candidate.
Ngunit sinabi ni Quimbo, may ibinigay nang committment si Lacson na sasama ito sa kampaniya ng koalisyon.
By Jaymark Dagala