Ipagbawal ang mga video games gaya ng Defense of the Ancients (DOTA) at Clash of Clans (COC) ito ang isa sa mga nais isulong ng 58-year-old na senatorial aspirant na si Beth Lopez.
Nang makapanayam ng media matapos maghain ng certificate of candidacy (COC) sa pagka-senadoor, sinabi ni Lopez na nais niyang palitan ang mga larong ito ng mga video games na kapupulutan ng aral.
2016 nang tumakbo ring senador si Lopez ngunit siya ay nadiskwalipika.
“Ang plano kong ipalit ang mga laro na pag edukasyon. Halimabawa social studies na mga laro. So, nanawagan po ako sa mga programmer ng ating bansa na gumawa po kayo ng kabutihan para sa taongbayan. Ang gawin niyo po mga subject na laro nang sa ganoon magdamag man sila maglaro sa internet café ay hindi sila basta naglalaro kundi nag-aaral ng leksyon.” Pahayag ni Lopez.