Inanunsyo na ni Liberal Party President Senador Kiko Pangilinan ang anim na kandidato ng kanilang partido para sa darating na 2019 Senatorial Elections.
Ayon kay Pangilinan, kinabibilangan ang Senatorial line up ng LP nina re-electionist Senator Bam Aquino, dating Quezon Representative Erin Tañada, Free Legal Assistance Group Chairman Chel Diokno, Magdalo Partylist Representative Gary Alejano at dating Akbayan Partylist Representative Barry Gutierrez.
Dagdag ni Pangilinan, isa rin sa kanilang ikinukonsidera ay ang aktres na si Agot Isidro bagama’t patuloy pa nila itong kinukumbinse na tumakbo sa pagkasenador.
Samantala hindi naman binanggit ni Pangilinan kung kabilang din sa kanilang line up si ang pinatalsik na si Chief Justice Maria Lourdes bagama’t binanggit nitong may isang matapang na babae ang kabilang sa LP Senatorial Slate.
Binigyang diin pa ni Pangilinan na patuloy na tutulan ng kanilang mga kandidato ang mga hindi makataong polisiya ng pamahalaan tulad ng extrajudicial killings, kurapsyon at panghihimasok ng China sa soberenya ng bansa.