Nakatakdang ihayag ng Liberal Party (LP) ngayong Lunes ang kanilang senatorial line up.
“Daang Matuwid Koalisyon” ang bansag ng Malacañang sa senatorial slate ng administrasyon na isasabak sa 2016 elections.
Kabilang sa siguradong pasok sa tiket ng ruling party sina Senate President Franklin Drilon; Senators Ralph Recto at Teofisto Guingona III; gayundin si dating Senador at Food Czar Francisco Pangilinan.
Pasok din sina dating Justice Secretary Leila de Lima; dating Energy Secretary Jericho Petilla; dating TESDA Chief Joel Villanueva; at dating Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority Chief Mark Lapid.
Ilan pa sa mga personalidad na pasok sa listahan ng mga senatoriable sina dating Akbayan Partylist Representative Risa Hontiveros, Rep. Crescente Paez of the COOP-NATCCO Partylist at DILG Assistant Secretary Bai Nariman Ambolodto na nag-iisang Muslim senatorial candidate ng administrasyon.
By Meann Tanbio