Inilarga na ng Liberal Party (LP) ang kanilang senatorial line up para sa 2016 elections.
Dakong alas-10:30 nang dumating si Pangulong Noynoy Aquino sa headquarters ng LP sa Cubao, Quezon City.
Sinalubong ang Pangulo nang standard bearer ng partido na si dating Interior Secretary Mar Roxas at running mate nitong si Camarines Sur Rep. Leni Robredo maging nina LP Vice Chairmen, Senate President Franklin Drilon at House Speaker Sonny Belmonte.
Pinangunahan naman ni Roxas ang pagpapakilala sa 12 senatoriable ng Liberal.
Kinatatampukan ito ng mga datihan nang mga mambabatas, cabinet secretaries at ilang newcomer.
Kabilang sa mga pambato ng LP sa pagkasenador sina Senate President Franklin Drilon, Senate Pro Tempore Ralph Recto, Senador TG Guingona, dating senador at dating Food Security Czar Francis Pangilinan, dating senador at dating Rehabilitation Czar Panfilo Lacson, resigned Justice Secretary Leila de Lima, dating Energy Secretary Jericho Petilla, dating TESDA Director General Joel Villanueva.
Pasok din sa tiket ng administrasyon sa pagkasendor sina TIEZA Chief Operating Officer Mark Lapid, dating Akbayan Partylist Representative at kasalukuyang Philhealth Director Risa Hontiveros, COOP NATCCO Partylist Representative Cresente Paez at DILG Assistant Secretary for Muslim Affairs and Special Concerns Nariman Ambolodto.
Ready for 2016
Handa na ang Liberal Party para sa 2016 elections.
Ito ang inihayag ni Senate President Franklin Drilon sa official announcement ng LP ng kanilang 12 senatorial candidate sa headquarters ng partido sa cubao, quezon city, kanina.
Ayon kay Drilon, determinado rin sina lp standard bearer mar roxas at running mate nitong si Camarines Sur Rep. Leni Robredo na isulong ang Tuwid na Daan na sinimulan ni Pangulong Noynoy Aquino.
By Drew Nacino | Ralph Obina | Jonathan Andal