Isinapinal na ng kampo ni Vice President Leni Robredo ang kanilang senatorial line-up para sa 2022 elections.
Napili ng bilang ika-12 senatorial bet si Federation of Free Workers president at chairman ng nagkaisa labor coalition na si Sonny Matula, na independent candidate.
Bahagi rin si Matula ng alyansa ng mga labor leader na sumusuporta kay Robredo at running mate nitong si senador Francis Pangilinan.
Ipinunto ng bise presidente na maganda ang track record ng labor leader sa pagtatanggol sa karapatan ng mga manggagawa kaya’t isa ito sa napili bilang pambato sa pagka-senador.
Makakasama ni Matula ang mga re-electionist na sina senators leila de lima, risa hontiveros, dating senador Antonio Trillanes, dating Ifugao Representative Teddy Baguilat, Human Rights Lawyer Chel Diokno at lawyer Alex Lacson.
Pasok din bilang guest candidates sina dating vice president Jejomar Binay, dating senador at incumbent Sorsogon Governor Chiz Escudero at re-electionist senators Richard Gordon, Juan Miguel Zubiri at Joel Villanueva.—sa panulat ni Drew Nacino