Nanguna sa ‘magic 12’ ng senatorial survey si Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri.
Batay ito sa isinagawang survey ng Pulse Asia noong September 14 hanggang 20.
Mababatid sa lumabas na resulta, may higit 60% nagsasabing si Zubiri ang kanilang iboboto, sinundan nina dating Senador Bong-Bong Marcos, House Speaker Alan Peter Cayetano, Presidential Daughter at Davao City Mayor Sara Duterte.
Paliwanag ng Pulse Asia survey, aabot sa pito sa bawat 10 botante ang nagsabing iboboto nila sila Zubiri kung ngayon isasagawa ang national elections.
Dahil dito, labis na ikinatuwa ni Zubiri ang lumabas na resulta ng naturang senatorial survey at sinabing ito ang dahilan kung bakit patuloy niyang pinagbubutihan ang pagseserbisyo publiko.
Samantala, kung ang opinyon naman ng ilang political analyst ang tatanungin, mababatid anila na ramdam ng mga botante ang sipag ng senador sa gawain nito bilang elected official, gayundin ang pagpapahayag nito ng pagkadismaya sa nagpapatuloy na korapsyon sa PhilHealth.