Sinupalpal ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kadaldalan umano ni Senate Blue Ribbon Committee Chairman Richard Gordon lalo sa mga hearing.
Ayon kay Pangulong Duterte, maihahalintulad si Gordon sa isang Nazi noong World War 2 dahil sa paraan nito ng pagtatanong kay dating budget undersecretary Christopher Lao.
Hindi na anya dapat ibalik sa senado ang mga madadaldal at mga magyayabang lang tulad ni Gordon.
“7hrs. bugbugin mo ang tao ng tanong, mawawala talaga yan. Baliktarin mo, para kang german interrogator doon sa Nazi, baliktarin ka ng baliktarin oh, diba ganito yan? Hanggang pati sila, natutulala na. Maski abogado diyan 7hrs., kanya-kanyang question. Pero iba ka, Dre. Ang advise ko sa iyo, magpapayat ka muna. Parang medyo nalilipong ako pag tinitingnan kita.”
Hindi rin nakaligtas kay Pangulong Duterte ang umano’y naging pagbabago sa hair style ni Senador Panfilo Lacson.
Bandang huli ay hinamon ni Duterte si Lacson na sagutin ang ilang issue na kanyang ilalabas sa mga susunod na araw.
“Lahat to pati si Ping, iba ang … Si Ping na lang. Silang dalawa ni Gordon nag-usap. Sabi ni Gordon about Duque resigning. Anybody can demand your resignation, maski na ice cream vendor. Depende na lang kung sasagot ka o hindi. Tanungin ko si Panfilo Lacson, are you honest? Answer me truthfully, are you honest? At kung magsabi ka yes, sasagutin kita next program. May pakita ako,” bahagi ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte. —sa panulat ni Drew Nacino