Pribado ang ginawang Send Off Ceremony ng COMELEC sa mga nagretirong opisyal nitong sina Chairman Sheriff Abas at Commissioners Antonio Kho at Rowena Guanzon.
Subalit ipinabatid ni COMELEC Spokesman James Jimenez na ini live stream ng opisina ni Guanzon ang nasabing event sa facebook kayat nagkaruon ng access ang mga reporter at publiko rito.
Napanuod sa nasabing event ang tila malamig na pakikitungo ni Guanzon kay Commissioner Aimee Ferolino na nagtangka pang palamigin ang isyu at nais makipag kasundo sa kanyang superior sa kanyang talumpati sa event.
Sinabi ni Jimenez na hindi niya alam kung nagkaayos na sina guanzon at Ferolino bagamat ang isyu sa pagitan ng mga ito ay naririnig lamang sa labas ng comelec dahil trabaho lang sa loob ng komisyon.