Isang sendoff ceremony ang isinagawa para sa Task Group National Capital Region (NCR) na magbabantay sa seguridad ng idaraos na 30th Southeast Asian (SEA) Games mula Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11.
Sinimulan ang aktibidad sa pamamagitan ng misa kung saan ay binasbasan ang lahat ng mga mga miyembro ng task group.
Ang Task Group NCR ay kinabibilangan ng may 3,000 pulis ng National Capital Region Police Office (NCRPO), mga tauhan ng Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine Coast Guard (PCG), Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), at Bureau of Fire Protection (BFP) at iba pa.
Ang mga ito ang naatasang magbantay sa mga lugar na pagdarausan ng mga laro ng SEA Games, billeting area, pati rutang daraanan ng mga bibiyaheng delegasyon.
Dumalo sa sendoff ceremony si PNP officer-in-charge Police Lt. Gen Archie Gamboa at NCRPO officer-in-charge Brig. Gen. Debold Sinas.