Nagkasundo ang Board of Governors ng Integrated Bar of the Philippines na i-endorso ang otomatikong nominasyon ni Senior Associate Justice Antonio Carpio bilang susunod na punong mahistrado ng Korte Suprema.
Ayon kay IBP National President Abdiel Dan Elijah Farajardo, bukod sa si Carpio ang pinaka – senior sa hanay ng mga justices ng kataas taasang hukuman, ay siya rin aniya ang pinaka – kwalipikado na manguna sa mga ito at sa buong hudikatura.
Si Carpio ay ang kasalukuyang acting Supreme Court Chief Justice makaraang mapatalsik sa kanyang posisyon ang dating punong mahistrado na si Atty. Maria Lourdes Sereno.
Gayunman, tumanggi si Carpio na tumanggap ng anumang nominasyon sa kadahilanang ayaw niya umano makinabang sa naging desisyon ng Korte Suprema na patalsikin si Sereno sa pwesto sa pamamagitan ng Quo Warranto.