Pinayagan na ang mga senior citizen at menor de edad na 17 anyos pababa na sumakay sa mga public transportation sa ilalim ng mas pinaluwag na COVID-19 alert level system sa Metro Manila.
Ito ang nilinaw ni MMDA Chairman Benhur Abalos makaraang itaas na sa 70% ang passenger capacity sa Public Utility Vehicles.
Una ng inihayag ni DOTr Assistant-secretary at I-ACT chief Manuel Gonzales, na ipinagbabawal pa ring sumakay ang mga menor de edad sa mga PUV kahit may kasamang nakatatanda.
Gayunman, inihayag ni Abalos na puwede namang lumabas ang mga bata at matanda alinsunod sa kautusan ng IATF kaya’t maaari na rin silang gumamit ng public transportation.
Nobyembre 5 nang isailalim sa mas maluwag na alert level 2 ang National Capital Region sa gitna ng patuloy na pagbaba ng COVID-19 cases.—mula sa panulat ni Drew Nacino