Isang lola sa Quezon City ang matiyagang pumila ng isang araw para lamang makaboto.
Ala-5 pa lang ng madaling araw noong Lunes ay pumila na si Milagros Ymas, 71 anyos sa Lagro Elementary School sa Novaliches sa pag-asang makaboboto nang maaga.
Gayunman, inabot siya ng ala-6 kinaumagahan na nakaboto makaraang pumalya ang mga vote counting machine.
Sanhi ng delay ang naglokong corrupted SD cards na ginamit sa vote-counting machines sa polling precinct.
Una nang inihayag ng COMELEC na luma na ang mga VCM at hindi rin nakabili ng mga bagong makina ang poll body dahil kulang ang pondong inilaan ng Kongreso.