Patay ang isang senior citizen sa labas ng emergency room ng isang ospital sa Metro Manila matapos wala nang iba pang ospital na tumanggap dito.
Sa kanyang post sa Twitter ipinabatid ng netizen na si Angelo B. Na namatay ang kanyang ama dahil hindi ito na admit sa anumang ospital na tinawagan o pinuntahan nila matapos itong mag positibo sa COVID-19 nuong Marso 16.
Sinabi ni Angelo B. Na ini-isolate na lamang nila sa bahay ang kanyang ama at kumuha ng duktor na magmo monitor sa vital signs nito sa pamamagitan ng text at magbibigay ng gamot.
Gayunman kuwento ni Angelo gabi ng Marso 27 ay nakaranas ng hirap sa paghinga ang ama kung saan tumawag sila ng ambulansya subalit hinihingan sila ng P16,000 hanggang P 20,000 kayat humiram na lang sila ng sasakyan sa isang kaibigan at naka-oxygen ang ama na halos paubos na rin ang laman ng tangke.
Wala aniya talagang ospital na tumanggap sa kanila kahit pa tumawag sila sa One Hospital command hanggang pumila sila sa asian hospital bagamat mayruon pang dalawang naunang pasyente na dapat ding ipasok sa ICU.
Pasado alas singko ng umaga nang tuluyan na ring bumigay ang ama ni Angelo habang naghihintay na makapasok sa ICU bagama’t mino monitor naman ang ital signs nito.
Inamin ni Angelo na labis labis silang nagtiwala dahil isang taon nang lumipas ay wala namang nangyari sa kanila lalo sa amang maganda ang kalusugan bago pa man nito nakuha ang virus subalit nabulaga sila at labis labis ang naging pagsisisi sa pagkawala ng ama.